Sunday, December 20, 2015

SP article 11

Sikolohiyang Pilipino

Kung ang Sikolohiyang Pilipino ay tumutumbok sa karanasan, kaisipan at orientasyon ng mga Pilipino – nararapat lamang na bigyang ng bagong diin ang mga ito sa kontemporaryong pananaw at perspektibo.  Ano na nga ba ang mga bagong karanasan ng mga Pilipino ngayon?  Ano na nga ba ang mga modernong kaisipan?  Nag bago na ba ang kanilang mga pananaw kung ito ay ihahambing isang dekada o dalawang dekadang lumipas?
Nararapat lang naman na isulat at suriin kung ang mga kontemporaryong kaisipan ay sang ayon sa mga Pilipino ngayon.  Sa panahong kung saang naka pag halal na ang Amerika (Estados Unidos) ng isang itim na pangulo, ano na nga ba ang mga pag babago sa mundo?  At kung ang mga pagbabagong ito ay umaayon sa mga Pilipino o suma salungat sa kanilang kontemporaryong karanasan, kaisipan at orientasyon.

SP at Motorsiklo

Kung ihahambing sa bilang ng mga apat ang gulong, mas marami na raw ang mga motorsiklo sa bansa.  Kung ang pagbabatayan ay ang bilang ng benta taon taon, maiiyak ang mga kotse sa inggit dahil, kung umabot man ng limangpong libo ang bilang ng mga kotseng naibebenta taon taon, daang libo naman ang bilang ng benta ng mga motorsiklo sa bansa.
Mag mula sa presyo hanggang sa konsumo ng gasolina at layo ng nata takbo, walang talo talaga ang motorsiklo.  Idagdag pa natin ang mabigat na trapiko sa lansangan, tanging motorsiklo lang ang nakakagalaw sa masikip na trapiko.  Sinasabi na dalawa hanggang tatlong bilyong piso ang nauubos at nasasayang taon-taon sa trapiko at ang bilang na ito ay tataas pa dahil padami ng padami na ang sasakyan sa lansangan ngayong hindi naman nadaragdagan ang bilang ng lansangan.


No comments:

Post a Comment