Monday, October 1, 2018

Ang Mapagmurang Pangulo



Ang mapagmurang pangulo

Matapos ang halalan sa lupalop ng mga ungas, tinalo ng mapagmurang kandidato ang kanyang mga kalaban sa politika at halalan, at sa kauna unahang pagkakataon – ang kandidato mula sa Mindanao ang nahalal na pangulo.

Nag bunyi ang mga ungas, sa pagkakataong ito, ang nanalo ay kanilang kandidato na nagmula sa masa at hindi elitista.  Isa syang dating alcalde sa isla ng Mindanao at meron talagang karanasan sa pag papatakbo ng gobyerno.  Nagsaya at nag diwang ang karamihan, maraming nag babala na magiging maka saysayan ang bagong halal na pangulo.

Halos walang gawang mali ang bagong halal na pangulo, pero isa isa ay lumalabas na ang kanyang kapintasan.

Sa simulat sapul na ay talagang mapag mura na ang pangulong ito.  Habang kandidato palang ito, ay naipit sa mabigat na trapiko na dala ng pagbisita ng Santo Papa ng simbahang katolika, at ano ang kanyang nalat halang komento?  Minura nya ang Santo Papa.

Ang insidenteng ito at nag mula nuong sya ay kandidato pa, pero nuong sya ay mahalal na, maraming beses at madalas pa itong nag mumura sa publiko.  Mura dito, mura duon, mura hanggang sa SONA.  Sa labis ng kanyang pagmumura, marami na rin ang gumagaya sa kanya.  Pati ang mga mababang opisyales ng gobyerno ay mapagmura na rin.

Sa labis ng kanyang pag mumura, na mura na rin nya ang may likha.  Humingi sya ng dispensya sa Santo Papa at sa ibang pang pangulo o lider na kanyang namura.  Humingi sya ng kapatawaran sa diyos sa pagsabing hangal ito.  Pero ang hindi nya alam, ay nakarating na ang kanyang paboritong mura sa dapat makarinig.  At sila ay nagalit.

Ang mura ay isang pautang na dapat bayaran.  Sa ayaw o sa gusto, mag babayad ang me utang na mura.  Mamumura din kayo at ang mas masakit na mura ay iyong mura na hindi binabanggit ng labi ninuman.

No comments:

Post a Comment